Konsepto ng Kaunlaran
Ano ang pambansang kaunlaran?Kadalasan, sinusukat ng mga tao ang kaunlaran batay sa pagkakaroon ng mga bagay na nabanggit. Ngunit, ang kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa mga gusali, sasasakyan o damit at sapatos.
Paano masasabing maunlad ang isang bansa?Masasabi ba natin na maunlad ang bansa kung mataas ang gusali, magarang sasakyan, o mataas ang sweldo ng mga tao?
"Ang kaunlaran ay maihahalintulad sa pag-andar ng dyip"
Ang bawat isa ay may sapat na kakayahan upang mapa-unlad ang sarili at ang bansa. Ang pamahalaan naman ay ang pangunahing gabay ng buong bansa sa pagsusulong ng kaunlaran. Mula sa pahayag na nasa itaas, maaaring ipagpalagay na ang drayber ng dyip ay ang pamahalaan at ang mga mamamayan naman ang pasahero. Dadalhin ng pamahalaan ang mga mamamayan sa tunguhing kaunlaran, ngunit kinakailangang magbayad ng gampanin ang mga mamamayan upang umunlad. Kaya, ang pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan tungo sa pag-unlad ng bansa ay napakahalaga.
Mga Panukat ng Kaunlaran
Ang economic development ay tumutukoy sa pangkalahatang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa isang bansa. Ito ay maaari ding tumukoy sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng polisiyang maaaring mag-alis sa kahirapan, kawalan ng hanapbuhay, kamangmangan, kawalan ng oportunidad, at hindi pagkakapantay-pantay.
Ang economic growth ay ang paglaki ng ekonomiya dahil sa pagtaas ng kapasidad nito na makapagprodyus ng mga produkto at serbisyo. Ito ay nakabatay sa GDP,GNP, at GNI ng ekonomiya. Habang lumalaki ang growth rate ng pambansang kita, maaaring magkaroon ng economic growth.
Ngunit, hindi agad na masasabing nagkakaroon ng economic development ang isang bansa kung ang palatandaan lamang ay ang pagbabago ng GNI, GNp, at GDP. Kinakailangan din na nagbabago ang kalagayan ng kabuhayan ng mga tao at nararamdaman ng mga tao ang pagbabagong ito upang masabing mayroon ngang tunay na pag-unlad.
Maaaring matukoy ang kaunlaran ng bansa sa konsepto ng sustainability. Ang sustainable development ay isang hangarin kung saan kaakibat ng pag-unlad ng pamumuhay ang tamang pag-aalaga sa kalikasan. Kahit na pakinabangan ng kasalukuyang henerasyon ang kalikasan at ang mga likas na yaman ng bansa upang matugunan ang mga pangangailangan nito, dapat na mapanatili ang maayos na kalagayan ng mg aito upang matiyak na mapakikinabangan pa rin sa susunod na henerasyon.
Upang masukat ang kaunlaran ng mga bansa, naglunsad ang UN o United Nations ng mga tunguhin na dapat na maisagawa ng mga bansa -- SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS (SDG)
- SDG No. 1 No Poverty - kinakailangang mawala ang anumang uri ng kahirapan sa buong mundo
- SDG No. 2 Zero Hunger - Kailangang mawala ang gutom, at dapat magkaroon ng seguridad sa pagkain at nutrisyon.
- SDG No. 3 Good Health and Well-being - Kailangang masigurado ang kaligatasan at kalusugan ng lahat ng mga tao.
- SDG No. 4 Quality Education - Kailangang masiguro ang pagkakaroon ng ingklusibo, pantay at patas na kalidad ng edukasyon.
- SDG No. 5 Gender Equality - Kailangang magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng kasarian, at magkaroon ng sapat na oportunidad para sa mga kababaihan.
- SDG No. 6 Clean Water and Sanitation - Kailangang masiguro na maayos, malinis, at sapat na tubig at maasyos na sanitasyon para sa lahat.
- SDG No. 7 Affordable and Clean Energy - Kailangang masiguro na mayroong kakayahang makakuha ng mura at renewable na enerhiya.
- SDG No. 8 Decent Work and Economic Growth - kailangang magkaroon ng ingklusibong paglaki ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hanapbuhay at pagkakakitaan
- SDG No. 9 Industry, Innovation and Infrastructure - Kailangang mabuo ang impraestrukturang susuporta sa industriyalisasyon ng bansa
- SDG No. 10 Reduced Inequalities - Kailangang mabawasana ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao at ng mga bansa
- SDG No. 11 Sustainable Cities and Communities - Kailangang mabuo ng mga lungsod ng ingklusibo, ligtas, hindi masisisra ng kalamidad, at sustainable na tirahan ng mga mamamayan
- SDG No. 12 Responsible Consumption and Production - Kailangang masiguro na maayos at sustainable ang paraan ng pagkonsumo ng mga konsyumer at prduksiyon ng pabrika
- SDG No. 13 Climate Action - Kailangang makagawa ng hakbang upang malabanan ang climate change at mapigilan ang masasamang epekto nito.
- SDG No. 14 Life Below Water - Kailangang maayos ang paggamit sa karagatan at buhay sa ilalim nito
- SDG No. 15 Life on Land - Kailangang mabigyan ng proteksiyon ang ecosystem at ang mga nabubuhay dito
- SDG No. 16 Peace, Justice and Strong Institutions - Kailangang masigurado ang kapayapaan at pagiging ingklusibo ng mga lipunan upang magkaroon ng sustainable development at mabigyan ng pagkakataon na makamit ang katarungan para sa lahat.
- SDG No. 17 Partnerships for the Goals - Kailanagang mapatatag ang institusyon na nagbibigay suporta sa mag nabanggit na tunguhin upang makamit ito.
Sa kabuuan, ang pambansang kaunlaran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ay nagsasabi kung ang isang lipunan ay nagampanan ang kabutihan para sa panlipunang kapakanan, tulad ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at iba serbisyong panlipunan. Ito rin ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan, pangkalahatang pagbuti ng antas o lebel ng pamumuhay sa lipunan, at pagbabago ng pangkabuhayang gawain mula agrikultura patungo sa sektor ng industriya.
Very informative sir.
ReplyDeleteSana matamasa natin yang kaunlaran na yan sir😇
ReplyDeleteAyy napakahusay👏👏sana all maunlad😅😄
ReplyDelete