Posts

Showing posts from February, 2020

Konsepto ng Kaunlaran

Image
Ano ang pambansang kaunlaran? Paano masasabing maunlad ang isang bansa? Masasabi ba natin na maunlad ang bansa kung mataas ang gusali, magarang sasakyan, o mataas ang sweldo ng mga tao? Kadalasan, sinusukat ng mga tao ang kaunlaran batay sa pagkakaroon ng mga bagay na nabanggit. Ngunit, ang kaunlaran ay hindi lamang nasusukat sa mga gusali, sasasakyan o damit at sapatos.   "Ang kaunlaran ay maihahalintulad sa pag-andar ng dyip"              Ang bawat isa ay may sapat na kakayahan upang mapa-unlad ang sarili at ang bansa. Ang pamahalaan naman ay ang pangunahing gabay ng buong bansa sa pagsusulong ng kaunlaran. Mula sa pahayag na nasa itaas, maaaring ipagpalagay na ang drayber ng dyip ay ang pamahalaan at ang mga mamamayan naman ang pasahero. Dadalhin ng pamahalaan ang mga mamamayan sa tunguhing kaunlaran, ngunit kinakailangang magbayad ng gampanin ang mga mamamayan upang umunlad. Kaya, ang pagtutulungan ng pamahalaan at mamama...